Sino nga ba ang hindi
nakakakilala sa Sto.Niño na dinadasalan ng maraming tao? Halos lahat nga ng
tahanan dito sa pilipinas ay hindi maaring mawalan ng Sto. Niño sa kanikanilng
bahay. Ito ay dahil sa pagiging madasalin ng mga Pilipino. Ngunit bakit nga ba
itinuturo ng mga simbahan ang pagsamba at pagadarasal sa mga ito? Bakit
kailangan pa natin gawan ng imahe ang ating Diyos na nasa langit? Sabi nga ng
simbahang katoliko na hindi naman nila sinasamba at dinadasalan ang mga ito,
ito daw ay pag-alala lang sa ating Diyos kaya ginagawan siya ng mga imahe.
Ngunit hindi kaya magalit ang Diyos sa iba't-ibang imahe na ginagawa ng mga
tao?
Saan nga ba gawa ang mga Sto.Niño? Ang mga Sto.Niño ay gawa ay mga rebulto/imahe na gawa sa bato o kahoy. Ayon sa Biblia isa sa Sampung Utos ng Diyos ang nagsasabing hindi dapat dasalan, luhuran, o sambahin ang mga ito. Ang unang utos ng Diyos ay Exodus 20:3 "3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.", dito sinasabi ng Diyos na hindi dapat tayo magkaroon ng ibang diyos kundi siya lamang at wala ng iba. Ang pangalawang utos ay n Diyos ay Exodus 20:4-5 "4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mainggitin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;" dito sinasabing hindi nga natin dapat dasalan, luhuran, o sambahin ang mga imahe/rebulto dahil ang Diyos ay mainggitin. Ngunit bakit nga bang maraming simbahan ang sumusuway sa utos na ito ng Diyos? Kung iisipin at titignan natin ay nangunguna na dito ang pinakamalaking simbahan sa buong mundo- Simbahang Katoliko, na sumusuway sa utos ng Diyos. Kailan ba naisip natin na mali ang katuruan at tradisyon na naituro sa atin ng simbahang ito? Para sa akin, maling mali ang paglalagay ng mga imahe/rebulto sa loob ng simbahan o bahay para dasalan at luhuran ng mga tao. Madami pang patunay sa biblia na nagbabawal sa pagsamba sa mga imahe/rebulto Leviticus 26:1 "1 Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios." Deuteronomy 27:15 "Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa."
Mag-isip isip tayo sa ating mga ginagawa at sa mga katuruan na ating sinusunod.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento