Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Ang imahe ng Sto Niño

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa Sto.Niño na dinadasalan ng maraming tao? Halos lahat nga ng tahanan dito sa pilipinas ay hindi maaring mawalan ng Sto. Niño sa kanikanilng bahay. Ito ay dahil sa pagiging madasalin ng mga Pilipino. Ngunit bakit nga ba itinuturo ng mga simbahan ang pagsamba at pagadarasal sa mga ito? Bakit kailangan pa natin gawan ng imahe ang ating Diyos na nasa langit? Sabi nga ng simbahang katoliko na hindi naman nila sinasamba at dinadasalan ang mga ito, ito daw ay pag-alala lang sa ating Diyos kaya ginagawan siya ng mga imahe. Ngunit hindi kaya magalit ang Diyos sa iba't-ibang imahe na ginagawa ng mga tao? 

Saan nga ba gawa ang mga Sto.Niño? Ang mga Sto.Niño ay gawa ay mga rebulto/imahe na gawa sa bato o kahoy. Ayon sa Biblia isa sa Sampung Utos ng Diyos ang nagsasabing hindi dapat dasalan, luhuran, o sambahin ang mga ito. Ang unang utos ng Diyos ay  Exodus 20:3 "3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.", dito sinasabi ng Diyos na hindi dapat tayo magkaroon ng ibang diyos kundi siya lamang at wala ng iba. Ang pangalawang utos ay n Diyos ay Exodus 20:4-5 "4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mainggitin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;" dito sinasabing hindi nga natin dapat dasalan, luhuran, o sambahin ang mga imahe/rebulto dahil ang Diyos ay mainggitin. Ngunit bakit nga bang maraming simbahan ang sumusuway sa utos na ito ng Diyos? Kung iisipin at titignan natin ay nangunguna na dito ang pinakamalaking simbahan sa buong mundo- Simbahang Katoliko, na sumusuway sa utos ng Diyos. Kailan ba naisip natin na mali ang katuruan at tradisyon na naituro sa atin ng simbahang ito? Para sa akin, maling mali ang paglalagay ng mga imahe/rebulto sa loob ng simbahan o bahay para dasalan at luhuran ng mga tao. Madami pang patunay sa biblia na nagbabawal sa pagsamba sa mga imahe/rebulto Leviticus 26:1 "1 Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios." Deuteronomy 27:15 "Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa."

Mag-isip isip tayo sa ating mga ginagawa at sa mga katuruan na ating sinusunod.

Huwebes, Oktubre 4, 2012

Ang banal na Santo Niño




ANG SANTO NINO


Naitanong ninyo na ba sa inyong mga sarili kung saan nga ba nagmula ang Santo Nino? Bakit parte na ito ng kasaysayan ng Pilipinas? Totoo nga ba ang mga himala nito?
Ang Santo Nino ay isang kristiyanong imahe ng banal na sanggol na si Hesukristo. Ito ang naging pangunahing santo patron ng lalawigan ng Cebu. Bilang isang imahe lamang ay hindi ito sinasamba bagkus ay pinahahalagahan ng marami dahil sa mga sinasabing himala nito. 
Ayon sa aming pananaliksik, noong dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 na mga katutubo ay ninais na mabinyagan bilang Katoliko. 
Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Nino sa asawa ni Rajah Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Nino sa mga taga-Cebu kung hindi ay ito rin ang naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna Juana, hawak ang imahen ni Santo Nino na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.
Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Nino. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng Sinulog at pagbubunyi kay Santo Nino ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi. Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalanan ito sa San Agustin church at di maglaon ay pinalitan ito ng Basilica Minore del Santo Nino. Ang debosyon sa Santo Nino ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas.
Narito ang iilan sa mga short film ukol sa pista ng sinulog tampok ang sagradong Santo Nino:



Katunayan, taon-taon, sa buwan ng Enero, ang lalawigan ng Cebu ay nagkakaroon ng pista ng sinulog na nagtatampok ng sagradong imahen ng Santo Nino at sa himig ng "Pit Senor!" at "Hala, Bira!" ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Maraming pilipino ang namamanata at nagdedebosyon sa paniniwalang maghihimala at tutuparin ng Santo Nino ang kung ano mang hilingin nila.











Bisitahin ang mga blog na ito para sa dagdag kaalaman:

http://mycebuphotoblog.wordpress.com/sinulog/origin-of-the-image-of-sr-sto-nino/

http://santoninoshrine.blogspot.com/ ni Enrique Almendras, isang blogger

http://paranaquephilippines.blogspot.com/2012/05/santo-nino-in-philippines.html ni Mona Sabalones Gonzales, isang manunulat

http://kiliti-ng-diyos.blogspot.com/2012/01/kabataan-kayamanan-refelction-for-feast.html mula sa isang paring manunulat

http://plumatek.multiply.com/journal/item/218?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem mula sa isang guro ng panitikan


Mga pinagmulan ng impormasyon:

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Santo_Ni%C3%B1o

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Sinulog_Festival

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kasaysayan_ng_pista_ng_sinulog